Wala pala ako rito noong pasko...paano kasi binawi ko yung 2 araw kong walang tulog para naman ma energize ako or else baka overfatigue ang labas ko at lalong lumalala..buti na lang never pa ako na overfatigue pero nagkaroon lang ng muscular manifestation ng overfatigue before at na overcome ko yun sa pagrecharge ko ulit syempre sa pamamagitan ng pagtulog..as of now wala pa namang total body fatigue..hehehe..
so noong 24,nasa bahay lang ako , nakahilata sa bed, kain at tulog tapos nood dvd at kung ano pang palabas na pwedeng mapanood sa animax,hero channel,hbo or star movies..hayun, puro sermon ni mama, wala daw akong ginagawa pero deadma lang ako ganun naman talaga yun eh..hanggang inabutan ako ng 12 midnite at nood lang ng tv pero pasko na nun...syempre walang unlimited sa smart kaya globe ako nagload pero may load yung smart at tinxt ko yung mga pwedeng itxt sa smart at binati..sa globe naman todo txt ako sa mga kaklase at kaibigan at kakilala..bago mag 12 ng midnite,tulog n sila lahat kaya ako lang nag noche buena pero wala naman pagkain..kaunti lang naman..kinakain ko ng cheese sandwich at juice lang...
tapos nung day na iyon, busy ako katxt..katxt ko yung bestfriend ng kababata na nakita ko lang pictures at cam sa yahoo messenger..wla lang namiss siguro ako kaya malamang pinili pa niyang gamitin ang globe niya kaysa smart at itxt ako kaysa sa bf niya..ewan ko kung may bf nga yun pero tingin ko meron nga...ayaw pa aminin sa akin na ako lang naman ktxt niya sa globe galit nga raw bf niya kung bakit siya nag globe...pero she was really a nice girl...yung mga type ko ring girls..ako nagtitiwala ako sa insticnt ko na gusto niya ako...she wont waste her time texting me 24/7 para magkamustuhan lang...sa akin oks lang yun tutal wala naman akong love interest at besides single ako eh kasi naman po, 3 na sila nagparamdam at nagkabf na lahat di man lang ako kumagat sa gusto nila...minsan naiisip ko na napakalaking oportunidad pero wala eh, tamad pa ako pero minsan gusto ko din ..gulo noh...kala niya lasing ako eh nahuli ko tuloy siya...
noong kinabuksan, busy naman ako..punta kami ng younger sis sa ninang niya..tapos ikot dun at ganun..uso kasi rito sa maynila yung ninang talaga nagbibigay ng pamasko..ako wala naman inaanak, ayaw kasi ako gawing ninong kuripot daw pero may gusto ng kunin akong ninong pero wala pa asawa..kelan kaya yun? hehehe..di man lang ako nakahingi ng pamasko, di nga umabot sa 1000 pesos ang nakuha kong pera.. pero oks lang kaya tinago ko muna kasi paayos ko yung isang cp ko para magamit ko na lahat ng sim cards ko..dun nga ginanap sa bahay yung pagtitipon ng kapamilya..andun mga pinsan at tita, tito ko..no choice..inaayos pa yung bahay sa kabila eh kaya dun sila magstay sa amin pero uuwi rin ginagabihan..
hayun,inuman,kuwentuhan,nood dvd,asaran at ano ano pa..masaya talaga kasi kapag pasko nagkikita lahat..actualy, di yun dahil bday ni jesus christ kundi dahil bday yun ng lola ko kaya nagcelebrate kami ng ganun pero part of it siguro yun na din...natawa pa ako kasi tinatanong ko si tito...yung tito kong yun di kami close dati pero nung nag college na ako ...ako na ata ang pinakmamahal nung pamangkin..wala pa kasing asawa eh puro may anak..nasa lahi talaga ang ganyang bagay..sinabi kasi ng papa ko na mas gusto ko raw si tito kaysa kanya..nagdrama si papa eh noh pero wala yung pabiro lang..5 kaming nag-iinuman nun tapos lasing na si papa..kulit nun malasing amp kaya guwardiyado ko kapag ganun..baka ano pa gawin eh..hayun natapos din ang gabi ng puno ng kasiyahan sa aming mga puso...humirit pa ako sa kantahan kasi nagvideoke kami eh...masaya naman at planong sa kabila na mag new year..
No comments:
Post a Comment